SEMANA SANTA AT SUMMER HEALTH TIPS ADVISORY
Bisita Iglesia Semana Santa Health Tips
  • Gumamit ng payong kung hindi maiiwasang mabilad sa araw.
  • Magsuot ng kumportableng damit sa pakikiisa sa Bisita Iglesia at Station of the Cross.
  • Uminom ng sapat na tubig para maiwasan ang dehydration.
  • Siguraduhing magdala ng malinis na tubig at pagkain para maiwasan ang pagkahilo dulot ng gutom.
  • Siguraduhing hindi mabilis mapanis ang pagkaing dadalhin.
  • Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
  • Kung magdadala ng bata, siguraduhing may kasamang matanda. Maglagay ng impormasyon sa bulsa ng bata kung saan maaring makipag-ugnayan kung sakaling mawala ito.
 
Heat Stroke Semana Santa Health Tips
  • Uminom ng maraming tubig upang maiwasan and dehydration.
  • Magsuot ng kumportableng damit, sombrero at gumamit ng payong bilang proteksyon sa init.
  • Iwasan ang pagbilad sa araw.
  • Gawin ang mga mabibigat na gawain sa umaga o sa hapon kapag hindi na matindi ang init ng araw.
  • Kung maiiwasan, bawasan ang tsaa, kape, softdrinks at alak.
 
Para sa Panatang Pagpapapako Semana Santa Health Tips
  • Siguraduhing malinis ang pamalong gamit sa pagpepenitensya at na sterilize ang pakong gagamitin sa pamamagitan ng pagbabad nito sa alcohol. Siguraduhin din na walang kalawang at ingatang hindi madumihan ang pakong gagamitin sa pagpapapako.
  • Linisin at gamutin agad ang sugat na dulot ng penitensya ng malinis na tubig at sabon.
  • Magpabakuna ng Tetanus toxoid (TT) o Anti tetanus serum (ATS) bago mag papako. Para sa (TT) kailangan magpabakuna 3 taon bago ang pagpapako, kung (ATS) naman ang bakunang gagamitin maaring kahit anung oras bago ng penitensya magpabakuna nito.
 
Road Safety Semana Santa Tips
  • Huwag mag text o tumawag habang nagmamaneho at tumatawid ng kalsada.
  • Huwag magmaneho kung nakainom ng alak.
  • Huwag magmaneho kung ikaw ay inaantok.
  • Laging isuot ang seatbelt.
  • Gumamit ng helmet kung sasakay o magmamaneho ng motorsiklo at bisikleta.
  • Panatilihing maayos ang kondisyon ng sasakyan.
  • Sumunod lagi sa batas trapiko.
  • Maging mapagbigay sa ibang sasakyan o sa mga taong tumatawid.
  • Tumawid lamang sa tamang tawiran.
 
Para sa Anim na karaniwang Sakit na Nakukuha tuwing Tag-init at Semana Santa
  • Ang sore eyes or conjunctivitis kapag pinabayaan ay maaring magdulot ng pagkabulag. Ito ay sanhi ng bacteria or viruses na madaling makahawa kung ang mata ay napunasan ng may bacteria o virus. Ang paghuhugas ng kamay ay isang mabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito. Pinapayuhan ng DOH ang publiko na magpatingin muna sa doktor bago gumamit ng eye drops.
  • Hanggat maari ay iwasang mabilad sa araw mula 10am-3pm kung saan mataas ang lebel ng mapaminsalang UVA at UVB rays. Gumamit ng sunblock na hindi bababa sa SPF 30, gamitin ito 30 minuto bago lumabas. Maglagay ulit ng sunblock pagkatapos ng dalawang oras at huwag kalimutan pahiran ang inyong tainga, batok at mga paa.
  • Ang sipon at ubo ay madaling makuha tuwing tag-init dahil sa init at pabago bagong panahon. Pinapayuhan ang mga Senior Citizens na magpabakuna laban sa flu bago ang Hunyo kung kelan madalas nagkakatrangkaso ang mga tao.
  • Suriin ang mga kinakain at iniinom dahil ang pagkain at pag-inom ng kontaminado ay nagiging sanhi ng pagtatae at pagsusuka. Laging maghanda o magbaon ng Oral Rehydration Solution (ORS) upang inumin kung makakaranas ng diarrhea o pagtatae. Ugaliin ding pumunta sa inyong pinakamalapit na Health Centers upang kumunsulta at maiwasan ang severe dehydration.
  • Ang sakit sa balat gaya ng pigsa o boils ay madalas nakukuha sa mga lugar kung saan may kakulangan sa tubig, siksikan at hindi regular nakakaligo ang mga tao tulad ng mga kulungan. Maari ding makakuha ng sakit sa balat sa mga paliguan o swimming pools na madumi . Ugaliing magbanlaw muna bago at pagkatapos maligo sa mga swimming pools. Lagi din babantayan ang mga bata kung lumalangoy upang maiwasan ang pagkalunod.
  • Ang sakmal ng aso ay maaaring maging sanhi ng rabies na nakamamatay. Kung kayo ay may alagang aso, responsibilidad ng may-ari na siguraduhin na ang aso ay napabakunahan. Kung kayo ay nakagat ng aso, agad na hugasan, sabunin ang sugat at agarang pumunta sa animal bite centers upang kayo’y mabigyan ng anti-rabies vaccine.